Gatchalian eyes more schools participating in face-to-face classes under Alert Level 1 in NCR

Gatchalian eyes more schools participating in face-to-face classes under Alert Level 1 in NCR

Placing the National Capital Region (NCR) under Alert Level 1 would pave the way for more schools participating in limited face-to-face classes, Senator Win Gatchalian said.

The re-electionist senator continues to push for the safe resumption of in-person learning, noting that the lack of face-to-face classes would cause what economic managers called education and economic scarring. Estimates from the National Economic and Development Authority (NEDA) show that the lack of face-to-face classes for a year will cost P11 trillion in productivity losses over the next 40 years.

“Ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes ay mahalagang hakbang upang makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa epekto ng pandemya, at patuloy natin itong tututukan,” said Gatchalian.

The Inter-Agency Task Force (IATF) has approved placing the National Capital Region under Alert Level 1 from March 1 to 15, citing a high vaccination rate and a downward trend in both the Health Care Utilization Rate and COVID-19 Bed Utilization Rate. Regional average positivity rate in the region is also at 4.64% based on the distribution of RT-PCR tests done and positivity rates by local government units, the local chief executives said in a resolution they adopted on February 22.

Despite improvements in the country’s COVID-19 situation, however, Gatchalian maintained the need to ensure the strict implementation of public health protocols in schools. He emphasized the need to expand vaccination coverage among teachers and learners nationwide, especially among the 14 million learners aged 5-to-11 who are eligible to receive the COVID-19 vaccine.

Earlier this month, the Department of Education (DepEd) allowed the progressive expansion of face-to-face classes in areas under Alert Levels 1 and 2. Schools participating in limited face-to-face classes should be compliant with the standards of the School Safety Assessment Tool (SSAT). Only vaccinated teachers are allowed to participate in face-to-face classes. Learners who are vaccinated will also be given preference.

“Ngayong patuloy ang pagbuti ng sitwasyon sa Metro Manila at sa maraming bahagi ng bansa, dapat tutukan at bigyan natin ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa face-to-face classes,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

________________________________________

Gatchalian isinulong ang pagpapalawig ng face-to-face classes kasunod ng Alert Level 1 sa NCR

Ngayon at nakatakdang sumailalim na sa Alert Level 1 ang National Capital Region simula Marso 1 hanggang 15, isinulong ng re-electionist na si Senador Win Gatchalian ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes.

Ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes ay isa sa mga adbokasiya ng senador, lalo na’t ikinababahala ng mga economic managers ang pinsalang maaaring idulot sa ekonomiya ng hindi pagpasok ng mga kabataan sa kanilang mga paaralan. Dahil sa isang taong walang face-to-face classes, tinataya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na aabot sa labing-isang (11) trilyong piso ang katumbas na productivity loss ng bansa sa susunod na apatnapung taon.

“Ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes ay mahalagang hakbang upang makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa epekto ng pandemya, at patuloy natin itong tututukan,” ani Gatchalian.

Ang pagbaba ng Alert Level sa Metro Manila ay bunsod ng mataas na vaccination rate at patuloy na pagbaba ng Health Care Utilization Rate at COVID-19 Bed Utilization Rate. Tinukoy ng mga alkalde na kung susuriin naman ang distribusyon ng isinagawang mga RT-PCR tests at positivity rates kada local government unit, lumabas na wala pa sa limang (4.64%) porsyento ang average na positivity rate sa rehiyon.

Ngunit para kay Gatchalian, patuloy dapat ang mahigpit na pagpapatupad ng mga public health protocols sa mga paaralan kahit na unti-unting bumubuti ang sitwasyon sa bansa. Aniya, dapat palawigin ang vaccination coverage sa mga guro at mag-aaral sa buong bansa, lalo na sa labing apat (14) na milyong mga mag-aaral na lima (5) hanggang labing-isang (11) taong gulang na maaari nang bakunahan kontra COVID-19.

Sa unang bahagi nitong buwan, pinahuntulutan na ng Department of Education (DepEd) ang progressive expansion ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2. Ang mga paaralang lalahok sa limited face-to-face classes ay dapat pumasa sa mga pamantayang itinakda sa School Safety Assessment Tool (SSAT). Mga bakunadong guro lamang ang maaaring lumahok sa limited face-to-face classes, samantalang bibigyang prayoridad naman ang mga bakunadong mga mag-aaral.

“Ngayong patuloy ang pagbuti ng sitwasyon sa Metro Manila at sa maraming bahagi ng bansa, dapat tutukan at bigyan natin ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa face-to-face classes,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

↯↯↯Read More On The Topic On TDPel Media ↯↯↯

»Share Your Opinion On TDPel Media«