Gatchalian wants stronger crackdown on hazing

Gatchalian wants stronger crackdown on hazing

Senator Win Gatchalian is seeking a stronger crackdown on hazing activities amid the persistence of hazing-related incidents and deaths.

Gatchalian made this call following President Duterte’s recent criticism that the violence inflicted by fraternity members on those who want to join their group is not a manly thing to do and that members should exercise moderation in their initiation rites.
sored.

The senator cited the latest incident of hazing that happened in March which resulted in the death of Grade 12 student Reymarc Rebutazo from Laguna. He reiterated his call for the strict enforcement of the Anti-Hazing Act of 2018 (Republic Act No. 11053), a law that he co-authored and co-spon
The law prohibits all forms of hazing in fraternities, sororities, and organizations in schools, including citizens’ military training and citizens army training. This prohibition also applies to all other fraternities, sororities, and organizations that are not school-based, such as community-based and other similar organizations.

“Bagama’t meron na tayong batas laban sa hazing, marami pa rin tayong nababalitaang mga namamatay dahil sa hazing. Isang hamon ito sa ating pamahalaan na ipatupad ang batas nang may buong pwersa at lakas,” said Gatchalian.

“Hindi na natin dapat pinahihintulutan ang ganitong uri ng karahasan laban sa ating mga kabataan at dapat nating tiyaking lahat ng mga sangkot ay mananagot sa batas,” he added.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture also emphasized that under the law, it is the role of schools to take more proactive steps to protect students from the dangers of participating in hazing activities.

The law provides that the penalty of reclusion perpetua and a fine of P3 million shall be imposed upon those who actually planned or participated in hazing that results to death, rape, sodomy, or mutilation.

Pagsugpo sa hazing dapat paigtingin—Gatchalian

Ipinahayag ito ni Gatchalian matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang karahasang dulot ng mga kasapi ng mga fraternity sa mga nais maging bahagi ng kanilang grupo. Ayon sa Pangulo, kailangang maghinay-hinay ng mga kasapi ng mga fraternity pagdating sa kanilang mga initiation.

Ibinahagi ni Gatchalian ang pinakahuling napabalitang hazing incident na naganap noong Marso, kung saan nasawi ang Grade 12 student na si Reymarc Rebutazo na taga Laguna. Muling hinimok ni Gatchalian ang pamahalaan na maging mahigpit sa pagpapatupad ng Anti-Hazing Act of 2018 (Republic Act No. 11053). Isa si Gatchalian sa mga may akda at nagsulong ng naturang batas.

Ipinagbabawal ng batas ang lahat ng anyo ng hazing sa mga fraternity, sorority, at mga organisasyon sa mga paaralan, kabilang ang citizens’ military training at citizens army training. Ipinagbabawal din ang ganitong mga gawain sa mga fraternity, sorority, at mga organisasyon na hindi naka-base sa mga paaralan, kabilang ang mga community-based organizations.

“Bagama’t meron na tayong batas laban sa hazing, marami pa rin tayong nababalitaang mga namamatay dahil sa hazing. Isang hamon ito sa ating pamahalaan na ipatupad ang batas nang may buong pwersa at lakas,” ani Gatchalian.

“Hindi na natin dapat pinahihintulutan ang ganitong uri ng karahasan laban sa ating mga kabataan at dapat nating tiyaking lahat ng mga sangkot ay mananagot sa batas,” dagdag ng senador.

Ayon pa sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mandato sa mga paaralan sa ilalim ng batas ang pagsasagawa ng mas maigting na mga hakbang upang protektahan ang mga mag-aaral sa mga hazing activities.

Sa ilalim ng batas, reclusion perpetua at tatlong milyong pisong multa ang ipapataw sa mga nag-plano at nakilahok sa hazing kung nagdulot ito ng kamatayan, rape, sodomy, at mutilation.

↯↯↯Read More On The Topic On TDPel Media ↯↯↯

»Share Your Opinion On TDPel Media«