Pangilinan on Comelec-KBP VP debate

Pangilinan on Comelec-KBP VP debate

Tulad ni VP Leni Robredo, hindi ako makakadalo sa Comelec-KBP Pilipinas Forum 2022 dahil konting tulog na lang, eleksyon na at punong-puno na ang schedule natin sa direktang pagharap at pagpapasalamat sa mga volunteer, at sa pagkukumbinsi pa sa mga ‘Andy’ o undecided — sa lugar mismo nila.

At susugan ko rin ang hamon ni VP Leni kay Ginoong Bongbong Marcos at sa aking katunggali, kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na dumalo dahil bukod tangi sila sa lahat ng mga kandidato na hindi kailanman nagpakita sa mga debate.

Paalala na tayo ay nanliligaw sa mga botante kaya marapat lamang na harapin natin sila upang malaman nila kung ano ang plano natin para sa Pilipinas. Madalas ang mga hindi nagpapakita ay may mga itinatago. Mayroon kayang itinatago ang kampo ng Marcos-Duterte? Patunayan niyong wala

↯↯↯Read More On The Topic On TDPel Media ↯↯↯