Gatchalian to DFA: Intensify info campaign to counter misinformation on passport application

Gatchalian to DFA: Intensify info campaign to counter misinformation on passport application

Senator Win Gatchalian called on the Department of Foreign Affairs (DFA) to address the apparent misinformation that have recently caused the influx of applicants for passport and apostille services that have been flocking and lining up all day and even staying overnight at the Aseana Business Park Office in Parañaque City.

Gatchalian expressed concern over the plight of those walk-in applicants who have been apparently lured by online fixers, scammers and irresponsible recruitment agencies due to misleading information on DFA’s walk-in policy.

“Heightened information dissemination is apparently needed to dissuade our kababayans from queueing at night and opting to sleep on the sidewalk overnight just to get a slot at the walk-in application. Their well-being should be our paramount concern,” the re-electionist senator said.

Gatchalian urged the DFA to make full use of social media platforms as well as mainstream media to enable applicants to be guided properly while it continues to address the cause of the misinformation.

Based on the preliminary investigation conducted by the DFA, several recruitment agencies urged the applicants to line up and stay overnight at DFA Aseana so that their travel documents could be expedited.

Appropriate sanctions, the senator said, should be imposed by the DFA on the erring recruitment agencies and file charges against fixers offering high fees to obtain passport and authentication appointment slots.

While only a limited number of walk-in applicants can be served daily for such services due to safety and health reasons, this type of accommodation is also offered at 10 consular offices such as SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Star Mall, Alabang Town Center, Robinson’s Place Iloilo, Ali Mall Cubao, CSI Mall in La Union, SM City Davao, Pacific Mall Mandaue and SM Downtown Premier in Cagayan De Oro.

“Hindi kailangang magdusa ang mga kababayan natin para lamang mabigyan ng serbisyo ng gobyerno. Karapatan nilang maserbisyuhan bilang mga taxpayers. Hindi man kasalanan ng DFA ang mga pangyayaring nasaksihan natin nitong mga nakaraang araw, mandato nila na bigyan ng tamang gabay at tagubilin ang mga aplikante nang sa gayon ay maiwasan ang dagdag na gastusin at pahirap sa kanila,” Gatchalian said.


DFA dapat paigtingin ang information campaign sa passport application –Gatchalian

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tugunan ang pinapakalat na maling impormasyon na naging sanhi kamakailan ng biglaang pagdagsa ng mga aplikante para sa passport sa upisina ng DFA sa Aseana Business Park Office sa Parañaque City.

Lubos na nabahala si Gatchalian sa naging kalagayan ng mga walk-in applicants na pumila nang magdamag dahil naakit ng mga online fixer, scammers, at recruitment agencies sa mapanlinlang na impormasyon hinggil sa walk-in policy ng DFA.

“Dapat paigtingin ang pagpapakalat ng tamang impormasyon para maiwasan ang pagpila ng ating mga kababayan at hindi sila mapilitang matulog sa bangketa para lang mauna sa walk-in application. Ang kanilang kapakanan ang dapat nating isaalang-alang sa lahat ng pagkakataon,” ayon sa re-electionist na senador.

Hinimok ni Gatchalian ang DFA na gamitin ang social media platforms pati na rin ang mainstream media upang magabayan nang maayos ang mga aplikante habang patuloy na tinutugunan ang sanhi ng maling impormasyon.

Batay sa paunang imbestigasyon na ginawa ng DFA, lumalabas na ilang recruitment agencies ang nanghimok sa mga aplikante na pumila at magtiyagang magpalipas ng gabi sa DFA Aseana upang masiguro raw ang mabilis na pagproseso ng kanilang passport.

Sinabi ng senador na dapat patawan ng nararapat na parusa ang mga iresponsableng recruitment agencies at fixers at sampahan ng kaso ang sinuman sa kanilang nag-aalok ng mataas na bayad sa mga aplikante ng passport at kumukuha ng mga authentication appointment slots.

Bagama’t limitado lamang ang bilang ng mga walk-in na aplikante araw-araw para sa mga nasabing serbisyo bunsod na rin ng pinaiiral na safety at health protocols, maaari naman silang mag-apply sa 10 consular offices tulad ng sa SM Megamall, SM Manila, Robinsons Star Mall, Alabang Town Center, Robinsons Place Iloilo, Ali Mall Cubao, CSI Mall sa La Union, SM City Davao, Pacific Mall Mandaue at SM Downtown Premier sa Cagayan De Oro.

“Hindi kailangang magdusa ang mga kababayan natin para lamang mabigyan ng serbisyo ng gobyerno. Karapatan nilang maserbisyuhan bilang mga taxpayers. Hindi man kasalanan ng DFA ang mga pangyayaring nasaksihan natin nitong mga nakaraang araw, mandato nila na bigyan ng tamang gabay at tagubilin ang mga aplikante nang sa gayon at maiwasan ang dagdag na gastusin at pahirap sa kanila,” sabi ni Gatchalian.

↯↯↯Read More On The Topic On TDPel Media ↯↯↯

»Share Your Opinion On TDPel Media«