TESDAMAN: HK OFWs sent home P163B, ‘so gov’t aid is small change to their remittances’

TESDAMAN: HK OFWs sent home P163B, ‘so gov’t aid is small change to their remittances’

This was pointed out by Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva in strongly urging that the 200,000-strong community of overseas Filipino workers (OFWs) in Hong Kong should receive bigger help from their homeland.

“Ang laki po ng utang na loob ng ating bansa sa mga OFWs sa Hong Kong. Panahon na po upang suklian ito. At anumang sukli ay barya lang sa ambag nila sa ating ekonomiya,” said Villanueva, who shepherded in the Senate the passage of the law creating the Department of Migrant Workers.

Villanueva, chair of the Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, said that any aid by the Philippine government should be cobbled together with the remittances record of Filipinos from Hong Kong in mind.

In sending money to their families, OFWs there coursed through formal channels $845.1 million in 2018, $801.7 million in 2019, $821.1 million in 2020, and $722.2 million in 2021, government data showed.

“Mas malaki pa po ito marahil kung isasama ang padala sa kaibigan o perang personal na inuuwi,” Villanueva said.

Villanueva added initial moves by the government to help Filipinos struck with COVID-19 in the China-supervised territory, such as $200 in financial aid, and repatriation flights as ordered by President Duterte, are steps in the right direction.

“Yung air bridge maganda yon. Budget-wise, mas mura po iyon kasi malapit lang. Kailangan po ang ganoong repatriation flights para mas maraming seats ang available doon sa gustong umuwi for whatever reason,” Villanueva said.

The planes, Villanueva pointed out, can bring whatever food and medicine that Filipinos in Hong Kong will need.

“I think this will be okayed by Hong Kong authorities. It is an exercise in compassionate cooperation. Tumatanggap po tayo ng ayuda mula China. Bakit po naman hindi pwede kung tayo ang magpadadala doon para sa ating mga kababayan,” Villanueva said.

Villanueva said if a Navy ship can be sent as a fully-staffed floating hospital to accommodate Filipinos turned away from overwhelmed Hong Kong hospitals, “then it would be of great help.”

“Two or three sailing days lang yan from Manila, at mayroon pong AFP personnel and equipment available,” he said.

Villanueva: P163B ang padalang remittances ng HK OFWs, kaya dapat tapatan ng tulong ng gobyerno

Nasa P163 bilyon ang naipadalang remittances ng mga Pilipinong manggagawa sa Hong Kong sa nakaraang apat na taon, isang malaking ambag sa bansa na marapat lang na tapatan ng sapat na tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapadala ng “comprehensive care package” sa panahon ng COVID-19 surge.

Ito ang idiniin ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa kanyang panawagan na bigyan ng tulong ang mahigit 200,000 OFWs sa Hong Kong sa gitna ng rumaragasang pandemya sa teritoryo.

“Ang laki ng utang na loob ng ating bansa sa mga OFWs sa Hong Kong. Panahon na upang suklian ito. At anumang sukli ay barya lang sa ambag nila sa ating ekonomiya,” ani Villanueva.

Anumang tulong na maipapadala ng pamahalaan sa mga Filipino community sa Hong Kong ay barya lamang kumpara sa remittances na naipadala nila sa bansa at naitulong sa ekonomiya.

Nakapagpadala ang mga OFWs sa HK sa kanilang mga pamilya sa mga formal channels ng mga sumusunod na halaga: $845.1 milyon noong 2018, $801.7 milyon noong 2019, $821.1 milyon noong 2020, at $722.2 milyon noong 2021.

“Mas malaki kung isasama ang padala sa kaibigan o perang personal na inuuwi,” sabi ni Villanueva.

Ayon pa sa senador, maganda ang mga paunang tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga Pinoy na nagkaroon ng COVID sa HK, tulad ng $200 na ayuda at repatriation flights.

“Yung air bridge maganda yon. Budget-wise, mas mura kasi malapit lang. Kailangan ang ganung repatriation flights para mas maraming seats ang available doon sa gustong umuwi for whatever reason,” ani Villanueva.

Ang mga erpolano, sabi pa niya, ay maaaring magdala ng pagkain at gamot para sa mga nangangailangang Pilipino sa Hong Kong.

“Papayagan naman ito ng otoridad sa HK. Compassionate cooperation naman itong maituturing. Tumatanggap tayo ng ayuda mula China. Bakit naman hindi pwede kung tayo ang magpadadala doon para sa ating mga kababayan,” sabi pa niya.

Kung kaya umano magpadala ng gobyerno ng isang Navy ship na magsisilbing “floating hospital” malapit sa Hong Kong para doon sa hindi na kayang ma-admit sa mga ospital, mas maganda sabi ni Villanueva at malaking tulong ito.

“Two or three sailing days lang yan from Manila. At merong AFP personnel and equipment available” sabi niya.

↯↯↯Read More On The Topic On TDPel Media ↯↯↯

»Share Your Opinion On TDPel Media«