Imee: Bring all Filipinos in Ukraine danger zone home

Imee: Bring all Filipinos in Ukraine danger zone home

IMEE: BRING ALL FILIPINOS IN UKRAINE DANGER ZONE HOME

Senator Imee Marcos said it was “imperative” for all Filipinos to leave Ukraine at once, after the European Union (EU) decided to arm the beleaguered nation’s army.

Marcos added that the government needs to prepare for the larger-scale evacuation of overseas Filipino workers (OFWs) in Europe, in case the Russia-Ukraine war spreads westward.

The EU decided on Sunday to “finance the supply of lethal material to the Ukrainian army” and to deepen economic sanctions against Russia.

“Evacuation plans must immediately be put in place for our OFWs not just in Ukraine and Russia but also in nearby Belarus, Poland, Slovakia, Hungary, Romania, and Moldova. The travel of Filipinos to these areas must also be stopped,” Marcos said.

“If the war escalates on the ground, the Philippines will not be the only country arranging for the safe passage of its citizens. So, let’s not procrastinate,” the senator added.

Marcos said events unfolding in the next few days will determine if fears of a Third World War will ease, as the United Nations Security Council convenes, the delivery of EU-funded weaponry is arranged, and Russia-Ukraine peace talks begin.

“May the power of prayer assure that peace talks push through not only for the sake of Russia and Ukraine but for the whole world,” Marcos said.

_____________________________________________________________

(Tagalog version)

IMEE: NATITIRANG MGA PINOY SA UKRAINE DANGER ZONE, ILIKAS NA!

Iginiit ni Senador Imee Marcos na “kailangang-kailangan” na ang agarang paglilikas sa mga Pilipinong natitira sa Ukraine.

Aniya, mas namemeligro sila ngayon dahil sa desisyon ng European Union (EU) na suplayan ng matitinding armas ang mga sundalo ng Ukraine.

Binigyang diin rin ni Marcos na dapat nang magkasa ang pamahalaan ng mas malakihang paglilikas para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Europe, sakaling umabot na ang giyera ng Russia-Ukraine sa iba pang bansa sa kanluran.

Nagdesisyon ang EU nitong Linggo na suplayan ng mga mabibigat at mas nakakamatay na mga armas ang mga sundalong Ukrainian at mas paigtingin ang pang-iipit sa ekonomiya ng Russia.

“Dapat mailatag ng mabilisan ang mga planong paglilikas para sa ating OFWs hindi lang sa Ukraine at Russia kundi maging sa kalapit nitong mga bansa na Belarus, Poland, Slovakia, Hungary, Romania, at Moldova. Kailangang matigil na rin ang pagbiyahe ng mga Pinoy sa nasabing mga lugar,” ani Marcos.

“Kapag lumala pa ang giyera, hindi lang Pilipinas ang mga bansang mag-aayos ng ligtas na paglikas ng kanilang mga mamamayan. Kaya ‘wag natin itong ipagpaliban, dapat ngayon pa lang kilos na,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon kay Marcos, magkaalaman sa susunod na mga araw kung matutuloy o huhupa ang pangambang ikatlong digmaang pandaigdig, depende sa resulta ng pulong ng United Nations Security Council, paghahatid ng mga pinondohang armas ng EU para sa Ukraine, o kung magtatagumpay ang usapang pangkapayapaan ng Russia at Ukraine.

“Harinawa, ang kapangyarihan ng panalangin ang magtulak ng peace talks hindi lang para sa kapakanan ng Russia at Ukraine kundi para sa buong mundo,” ayon kay Marcos.

»Share Your Opinion On TDPel Media«